Hindi Nakakalimot ang UP

  • Prize
    Silver in Pre-Covid
  • Photographer name
    Buboy Figueroa
  • Product Code
    iPhone XR

Isa sa pinakamabuluhang araw sa loob ng Unibersidad ang taunang paggunita sa komemorasyon ng pagdeklara ng batas militar ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. noong 1972. Ang komemorasyon ay para sa mga naging biktima ng madugong diktadurya at patuloy na binibiktima ng pagbabaluktot ng madilim na kasaysayan. Saksi ang kasaysayan, kaisa ng masa ang UP sa hindi paglimot sa mga kaharasan at inhustisyang hinarap at hinaharap ng bansa at ng sambayanang Pilipino. Never Again! Never Forget!